hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay mahal ka ng taong mahal mo. minsan,ONE SIDED lang talaga yan. napakaswerte mo na kapag naging MU kayo or best case scenario, ay naging mag “on” kayo.
dapat kapag nagmahal ka ay sobrang open ka sa lahat ng possibilities; mahirap yung hindi ka handang masaktan, para ka lang pumunta sa isang gera na wala kang dalang baril.
masakit talagang magmahal kung di ka mahal ng taong gusto mo. kaunting kibot lang nya ay masaya ka na pero ikaw tong todo effort pero ang reaksyon nya lang ay “ha?”, parang wala lang, parang hangin lang na dumaan, tapos.
masakit din sa damdamin ng isang taong nagmamahal ang makita nyang may ibang minamahal ang minamahal nya; masakit sa mata, masakit sa damdamin, masakit isipin at masakit sa bangs. masakit yung feeling na kahit may crush lang sya ay buong pagkatao mo ay parang BOOM! sabog! KABAM! WUSHUSH! waleyyyy! talo tayo dun!
kaya naman, payong kapatid lang, payong kaibigan, payong kung kanino mang payong gusto nyong manggaling, MAGMAHAL KA, PERO ALAMIN MO KUNG KAYLAN KA HIHINTO .
hindi porket close kayo ay possible na te. madami nga dyan ay naging magbestfriend pa pero wala talaga e. alamin muna ang dapat gawin, parang yung mga ginagawa natin tuwing eartquake drill,
STEP 1: dock over head - takpan mo ang sarili mo, kung exposed na exposed ang pagibig mo sa kanya ay magtago ka muna kahit kaunti, magtira ka sa sarili mo at sa susunod mong mamahalin kung meron man.
STEP 2: lumusot sa matitibay na mga bagay at lumayo sa mga posibleng bumagsak na malalaking bagay - learn to defend your self by being witty. kapag nafeel mo nang wala talaga, kahit gusto mo, dapat wag na, No. No. No. Kapag may kalaban ka na at mukang talo ka talaga, iwas iwas na dude, wala kang laban dyan kung gusto sya ng gusto mo.
STEP 3: kapag humina na ang lindol, alis na at lumabas na ng kwarto - nageexist ang salitang “MOVE ON”. matuto kang lumayo, magpakasaya sa buhay mo, makuntento at lahat lahat. masakit, OO! SUPER! pero wala ka talagang magagawa. bigyan mo na lang ang sarili mo ng ice cream para reward sa sarili mo dahil kinaya mo o kakayanin mo ang paglayo sa nakasanayan mo na.
eventually, mahahandle mo yan. please lang, makinig ka sakin, di mo alam ang pwedeng mangyari o maramdaman mo kung nainlove ka at ang status mo sa kanya ay kapit patalim. STOP! bago ka magiiiyak, sayang lang.
grabeh ka naman. din naman lahat ng sitwasyon ganinto
ReplyDeletejust me,
www.phioxee.com
ang hebigat naman! siguro u've been there, ako rin pero minsan pag nasa situation ka, mahirap yang sinasabi mo kapag nakaget over kana madali ng sabihin yan.
ReplyDelete